Wednesday, October 10, 2007

lisensyado?????

lisensyado ka na? so what?
sabi nila, hindi makukumpleto ang propesyon ng isang tao kapag di mo nakakamit ang iyong lisensya. tama nga naman yun, pero tama din bang isipin na sa kabila na ikaw ay isang propesyonal maraming mga taong naiinis sa'yo. naiinis dahil ikaw ay asal hayop, asal na walang modo at higit sa lahat, may asal na tila walang nakamit na antas sa buhay. Maraming mga boss na talagang titingalain ng lahat dahil sa mga achievements na meron siya, pero halos kalahati ng mga yon ay tila mga bituwin na di maabot di dahil sa antas kundi dahil sa miskomunikasyon na nagaganap. magatatanong ka, pabalang kang sasagutin. may hihingiin ka, hayaan mo nang tumirik ang mata mo sa kahihintay. Hindi mahalaga sa isang tao kung anu man ang nakakabit sa iyong pangalan, kesyo ikaw ay attorney o engineer man. ANG MAHALAGA.... ANU KA BANG KLASENG ABUGADO? ANU KA BANG KLASENG ENGINEER? nakakahiya man isipin pero ito ay totoo, SI manong janitor, oo, tagalinis siya ng dumi, oo, mababang antas ng buhay at trabaho meron sya pero kung tatanungin mo kung anung klaseng janitor siya?? kagalanggalang dahil sa mabuting ugali meron siya. Come to think of it, sana may magising sa ganitong klaseng katayuan.